

Akshuli, excited na excited sila dahil nakikita nila ang mga sarili nila sa webcam :)
Sila ang mga mag-aaral ng Angkaol Primary School sa Angkaol Commune, Krong Kep, Cambodia. Isa sa mga mapalad na napiling gawing village hub ang paaralang ito. Kinuha ko ito noong September 2007 sa pagbubukas ng limang village hubs sa Kep. Sa wakas, naikabit din ang broadband satellite internet - at full media - sa paaralang ito. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang eksaytment at kasiyahan sa mga bagay na bago sa kanila, na sa mga susunod na panahon ay matututunan nilang gamitin. Sa maniwala kayo o hindi, ito ang kauna-unahang pagkakataon na maka-kita, maka-hawak at maka-gamit ng kompyuter. Di rin naitago ng Buddhist monk na ito ang kanyang kasabikan sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng local video network sa isa pang monk sa kabilang baryo (na isa ring village hub).
Layunin ng aming proyekto ang magtatag ng e-communities sa bansa, at gamitin ang mga makabagong teknolohiya ng ICT upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Kung anong klase ng ICT ang kanilang gagamitin, paano nila magagawa, at anu-anong pagbabago ang naidulot nito sa pamumuhay nila ay siya naming gustong alamin sa research project naming ito. Para po sa inyong karagdagang kaalaman, ganito ang itsura ng isang e-community: 
Sa ngayon, mayroon nang humigit-kumulang sa sampung village hubs sa probinsiya ng Prey Veng at Kep. May mga kwento ang aming staff tungkol dito. Para naman sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming proyekto, pumunta kayo dito.













wow ang saya saya nmn ng mga taong yan!!! =) hehehe super excited! maligayang huwebes!
ang aking 2 lahok sa lingong ito:
http://ishiethan.blogspot.com
http://jeslising.blogspot.com
ang gandang proyekto. tyak maraming taong makikinabang.
wow, ng galing ng proyekto nyo. sana dito magkakaroon na rin ng internet connection ang mga eskwelahan sa mga liblib na sulok ng Pilipinas.
Kitang kita ang excitement at curiousity nila. ang gandang proyekto nga...(same expectation din gaya ni Luna)
Happy LP!
Naku eh I'm sure kung pwede lang mapapatalon pa sila sa saya! Naalala ko tuloy nuong magkaroon kami ng internet connection for the first time...baah, halos d na matulog ha ha!
Happy LP , ZJ!
Thesserie.com
sobra, sobra, sobrang exciting nito! may mga efforts na ring halos ganito sa ilang area sa Pilipinas, lalo na sa larangan ng kalusugan. haay nakakatuwa! kasing exciting ito nung lovelife ni shutterhappyjenn hahaha
wow exciting nga! sino kaya ang ka-chika ni mr. monk :-)
happy lp!
mahusay! nakakatuwa ang excitement nila!
spiCes' LP is here
Nawa'y lalo pang magtagumpay ang inyong napakagandang proyekto!
Seems like you have busy days ahead of you! Color me impressed with what you're doing - you're a part of one great cause ZJ. Mabuhay!
Bitaw bilib kaayo ko sa imong work ug sa inyong projects.
ZAM
Naalala ko tuloy yung una rin ako nagka internet,nagbabad talaga hanggang inumaga na!hehe
cheh
www.moderately-confused.com
ang galing ah. meron kaya nyan dito sa mga rural ng Pinas? sana, meron at mukhang magandang programa siya.